How To Use Compressor Plugins

Compressor Plugin for DAW
Compressor Plugin

Para sa mga newbie na nagtatanong kung paano ang tamang pag gamit ng Compressor Plugin sa vocal. Marami pa rin ang hindi nakakaunawa kung paano nagiging epektibo ang compressor, ginawa ko ang written blog na “How To Use Compressor Plugins” upang malaman kung paano nag tatrabaho ang isang compressor sa isang signal na dumadaan dito.

Ang walang kontrol na tunog mapa vocal man o instrumento ay may mababa at mataas na signal ito ay lumalakas at biglang humihina o kaya parang lumiliit at biglaang lumalaki sa ating pandinig ang numero unong kandidato para sa compressor na ito at upang ma kontrol, ito ay ginagamitan ng isang maliit na apps na kung tawagin ay compressor plugins.

Ang trabaho nito ay para pigilan ang biglaang pag lakas at pag hina ng dynamics at gawin itong banayad na halos pantay na lakas sa ating pandinig. Ito ay may anim na importanteng function na kailangan mong i-tweak o pihitin sa compressor plugin, at ito ay ang mga sumusunod.

Ratio – Kung ang ratio ay 3:1 madalas na akala natin na bawat lalampas na 3dB sa ating threshold ay magiging 1dB, ngunit bawat compressor ma pa-analog man o digital o kahit plugin ay may ibat ibang behavior o ibat-iba ang epekto ng ratio, kaya marapat lamang na mag rely tayo sa settings ng threshold at kung ano ang nababasa natin sa peak reduction meter. Pinaka-importante pa rin ay ang ating tenga na mag desisyon kung ano ang pagkakaiba ng resulta sa ating pandinig.

Threshold – Ang bigat at gaan ng compression ay nag a-adjust sa threshold mabuting pakinggan ng maiigi kasabay ng pagbasa sa peak reduction meter ang pag pihit nito. Ang sobrang pag-gamit ng compressor ay maka ka apekto sa natural na dynamics ng isang musika kaya marapat lamang na maging maingat at piliin lamang ang instrumentong o boses na-ngangailangan nito.

Attack – Ang bilis at bagal ng pagpasok ng signal ang basehan kung paano i-setup ang fast at slow attack sa compressor. Ang lahat ng signal na pumapasok dito ay agad na ko-compress.

Release – Ito naman ang pagsara ng compression sa paglampas ng ating audio signal. Natural lamang na fast at slow setup nito ay depende sa bilis at bagal ng paglabas ng signal ng isang instrumento.

Peak Reduction Meter – Ito naman metro para makita kung gaano ang sukat na ibinabawas sa kino-compress na elemanto.

Make-up Gain Output – ito naman ang output gain na kung saan ay pwedeng itaas upang maibalik ang nabawas na lakas sa kinompress na elemento. Ang purpose nito ay para itaas na rin ang mababang dynamics sa katamtamang level o lakas nito.

Audio Compressor Plugin

Upang marinig ninyo ang mga actual na tunog nito, maroon tayong video na nakapaloob dito Ito ay pina simple para mas madali ninyong maintindihan. Kung ano man ang inyong maging katanungan iparating lamang po sa ating comment box. ito po ay atin naman sasagutin sa mga libreng pagkakataon. Hanggang sa muli… Enjoy kapatid!

Get Your Free eBook

Subscribe

* indicates required

We hate SPAM and we promise to keep your information safe!