Paano Ginagamit Ng Tama ang EQ (Part 2)

Understand The Importance Of EQ

3 Important EQ Control
3 Important EQ Control

Isa sa pinaka matandang tool sa history ng recording ay ang EQ, ito rin ang isa sa pinaka gamiting tool ng kahit na sinong mixing engineer o sound designer sa industriya ng audio.

Ang EQ ay isang powerful tool na naglalabas ng dalawang resulta, isang malinis at very responsive kung maganda ang pagka record ng isang audio track at unresponsive naman, distorted o harsh or lot of noise ang result, kung pilit mong aayusin ang isang garbage track ng recording.

Ang EQ ay may kakayahang magbigay ng kulay at shape sa buong soundscape. Nagagawa nyang maging define ang lahat ng nagsasabay sabay na instrumento at may kakayahan din ito na iharap ang mga priority track sa mix tulad ng vocal, kick at bass sa kabuuan ng isang mix.

Isa rin itong cleaning tool magagamit sa pag cancel ng ano mag offended frequencies na resulta ng di maayos na mic placement sa recording, may kakayahan din itong mag cut or shelf sa low at high frequencies, upang maging malinis sa pangkalahatang mix.

Understand The 3 Important EQ Control

3 Important EQ Control
EQ Knob

Mayroong tatlong na basic control ang isang EQ, una ang frequency selector, pangalawa ang boost or cut knob, at ang pangatlo ay ang bandwidth or Q. Sa bawat frequency control ng EQ ay may isa pang control para sa pag boost or cut, na sinundan naman ng isa pang control para sa bandwidth or Q frequency option.

Madalas natin naririrnig ang cut first before boost sa mga pagtuturo, subalit kung ang tunog ay na ngangailangan lamang ng isang partikular na frequency para ma enhance, mas makakatulong pa rin ang boost. Sa aking experienced nabuo ang aking personal rules, “To fix the sound use cut, to enhance the sound use moderate boost”.

Tenga pa rin natin ang magdedesisyon, at magiging basehan sa EQ, hindi lahat ng tracks ay nangangailangan ng enhancement, maging sensitibo lamang ang ating pandinig sa balance sa depth o maging distortion o noise na mag accumulate sa ating pag bo-boost. Anomang additive processing, ang goal ay mapanatili pa rin ang natural na tunog natin.

Atin pong panoorin ang kalakip na video tutorial, ito po ay ang pangalawang bahagi ng ating naunang “Paano Ginagamit Ng Tama Ang EQ” (How to use the EQ?).

Akin lang pong pinapaalala na tayo ay gumamit ng professional studio headphone sa panonood upang malinaw nating marinig ang bawat detalye ng tunog sa ating tutorial video.

Enjoy learning kapatid!

How To Use EQ?

Frequency:

A range from low to high of the whole spectrum

Low – correspond to bass foundation

Mid – correspond to the character

High – correspond to clarity

Gain:

The preamp of every frequency (boosting too much preamp accumulate distorting noise).

Cut – cutting the offending sound in particular frequencies neutralized the sounds of edgy, honky, middy, boxy, at the boomy sound.

Boost – boosting friendly mids adds character, boosting the low to low-mids in moderate fatten the tiny sound and boosting high-end frequency make the sound airy.

Bandwidth or Q:

Determine the range of neighboring frequency

Moderate cut or boost in a wide range or low Q, alter the sound naturally.

Moderate cut or boost in a narrow range or medium Q, alter the sound into more aggressive and edgy.

Cutting frequency in very narrow or high Q, remove specific frequency and leave the signal almost unchanged.

PS.

Kung kayo ay lumampas sa ating unang bahagi ng “Paano Ginagamit Ng Tama Ang EQ” i-click lang po ang link.

Happy mixing kapatid!

Join our list!

Subscribe

* indicates required

We hate SPAM and we promise to keep your information safe!